Career nina Gabbi at Khalil, bibigyan ng milagro ni Mr. M!

Career nina Gabbi at Khalil, bibigyan ng milagro ni Mr. M!

January 22, 2022 @ 12:00 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Ang tambalang Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang ipinakilala bilang next brightest stars of 2022 ng Sparkle o dating GMA Artist Center.

Bago pa naging love team sina Gabbi at Khalil ay naipareha muna ang Kapuso actress kay Ruru Madrid na nali-link ngayon kay Bianca Umali.

Kahit paano, nagkaroon naman ng following ang GabRu tandem nang magkatrabaho sila sa “Encantandia,” kasi naging short-lived lang ito nang ipareha naman si Ruru kay Kylie Padilla.

Sa kaso naman ni Khalil, noong Kapamilya pa siya ay naging third wheel naman siya sa tambalang KathNiel.

Mas nakilala pa nga siya noong mag-indie siya sa mga pelikulang “2 Cool 2 Be 4gotten”at “Riding in Tandem.”

Nagtambal sila ng nobyang si Gabbi Garcia sa PPP entry na “LSS: Last Song Syndrome”but sad to say, hindi masyadong kinagat ng publiko ang kanilang tambalan.

Ngayon naman ay magka-collab na sila dahil may vlog silang “Front Seat Foodies” tungkol sa kanilang food adventures sa iba’t-ibang local destination.

Sa isa namang vlog nilang Figure It Out na tipong He Said, She Said, ini-explore nila ang iba’t-ibang topic sa pakikipagrelasyon.

May upcoming teleserye rin silang “Love You Stranger” na ilang beses ding naudlot dahil sa pandemya.

Dahil nasa Sparkle na ang star builder na si Mr. M, ang malaking tanong: magawan kaya niya ng milagro o magic para umalagwa ang karera ng mag-jowa to the highest level?

O mas aarangkada kaya ang kanilang karera kung magsosolo muna sila at hindi ibebenta bilang loveteam? Archie Liao