Caregiver, 3 pa binitbit sa P210K shabu sa Navotas

Caregiver, 3 pa binitbit sa P210K shabu sa Navotas

October 16, 2022 @ 1:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad sa apat na listed drug personalities, kabilang ang isang caregiver ang mahigit P.2 milyon halaga ng shabu matapos mabitag sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.

Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-8:45 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr ng buy bust operation sa Everlasting St., Brgy. San Roque kung saan isang undercover police ang nagawang makaiskor ng P500 halaga ng shabu kay Khim Rosita, 26, (pusher/listed).

Nang tanggapin ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad dinamba ng mga operatiba si Rosita, kasama si Eduardo Del Mundo alyas “Intoy”, 51, (user/ listed).

Nakuha sa mga suspek ang humigi’t kumulang 21 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P142, 800.00 at buy bust money.

Nauna rito, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang madakip din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Dalagang Bukid St. Brgy. NBBS Dagat-dagatan si Nena Balita alyas “Lina”, 53, widower, caregiver, (pusher/listed) at Eunica Vargas alyas “Kakai”, 19, (pusher/listed) at kapwa ng Tondo Manila matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagsilbi bilang poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000 at marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Boysan Buenaventura