Caregiver kalaboso sa swindling

Caregiver kalaboso sa swindling

October 26, 2022 @ 2:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Isang 21-anyos na caregiver ang mahaharap sa kasong kriminal makaraang arestuhin ng mga operatiba sa lungsod ng Palayan nitong Martes, Oktubre 25.

Sa report ng pulisya, kinilala ang arestadong suspek na si Princess Aira Santiago y Andasan, dalaga, residente ng Barangay Aulo, Palayan City, Nueva Ecija.

Ganap na 2:00 ng hapon ng maaresto ang suspek sa ikinasang manhunt operation sa nasabing barangay.

Si Santiago ay tuluyang naaresto makaraang ihain dito ang warrant of arrest para sa krimen na di-umano’y Swindling (Estafa) (RPC Art. 315) as amended by PD 1689 na may criminal case number 1657 at petsang Oktubre 17 na inilabas ng Municipal Trial Court, Palayan City.

Halagang Php 24,000 naman ang nirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Sa kasalukuyan ang suspek ay nasa kustodiya ng Palayan City police station.
Elsa Navallo