Caregivers makaaasa na ng proteksyon sa Caregivers Welfare Act

Caregivers makaaasa na ng proteksyon sa Caregivers Welfare Act

November 25, 2022 @ 9:46 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Umapela si Bataan Rep. Geraldine Roman sa Senado na agarang maipasa ang Caregivers Welfare Act na nakalusot na sa ikahuli at ikatlong pagbasa sa House of Representatives.

Ayon kay Roman hindi matatawaran ang kahalagahan ng mga caregivers sa national development kaya naman dapat lamang na maibigay ng gobyerno ang proteksyon para sa kanilang sektor.

“I thank my fellow legislators for the swift passage of this measure and ensuring the strong accountability and implementation efforts to turn the strategy into action. The approved measure aims to recognize the role of caregivers in national development and to institute policies in the practice of the profession with the end in view of developing competent caregivers whose standards of professional service shall be excellent and globally competitive” pahayag ni Roman na siyang chairperson House committee on women and gender equality.

Sinabi ni Roman na malaki ang pangangailangan sa mga caregivers lalo at tumataas ang aging population gayundin ang mga insidente ng mga bata na may kinahaharap na medical issues.

“professional and responsive caregiving is very vital to medically and physically challenged individuals. Policies must be enacted to protect the welfare and well-being of caregivers, as well as to maintain excellent and globally competitive standards for the caregiver professional service,” giit nito.

Hinimok ng lady solon ang Senado na aprubahan na ang panukala upang tiyak ang proteksyon ng mga caregivers laban sa pang aabuso, harassment at economic exploitation.

Ang Filipino caregivers ay in-demand sa mga bansa gaya ng United States, Canada Middle East, Europe at Asian countries tulad ng Japan at Korea.

“they prefer Filipino caregivers because of their unconditional and genuine care for their clients, that is why policies in the practice of the caregiving profession must be instituted to protect the rights of caregivers and to promote their welfare towards a decent employment” pagtatapos pa ni Roman. Gail Mendoza