Caretaker kulong sa pagnanakaw ng antique paintings

Caretaker kulong sa pagnanakaw ng antique paintings

November 7, 2022 @ 9:20 AM 3 weeks ago


CAVITE- Kulungan ang kinabagsakan ng isang caretaker matapos nakawin ang higit saP2.1 milyong halaga ng antique paintings at religious images ng kanyang amo noong Sabado sa bayan ng Alfonso.

Nahaharap ngayon sa kasong kriminal ang suspek na kinilalang si Virgilio De Lima, nasa hustong gulang at residente sa Barangay Esperanza Ilaya , ng nasabing bayan.

Batay sa report ng Alfonso Police Station, dakong alas-6:30 ng hapon nitong Linggo ay nagtungo sa kanilang tanggapan ang isang nagpakilalang Francis, 63, at residente sa nasabing lugar.

Sa reklamo ni Francis, nadiskubre niya na nawawala ang ilan sa kanyang mamahaling antique collection – paintings, ivory images at iba pang several religious figures na nakalagay sa kanyang bahay at warehouse sa nasabing lugar.

Aniya, malakas ang kanyang kutob na ang suspek ang kumuha dahil walang palatandaan na pinuwersa ang pagpasok ng suspek sa kanyang bahay at warehouse.

Agad na naglatag ng operasyon ang mga awtoridad laban sa suspek at narekober sa bahay nito ang dalawang antique paintings na nagkakahalaga ng P2,150,000. Mary Anne Sapico