Caretaker ng drug den, 2 alalay tiklo sa P100K shabu

Caretaker ng drug den, 2 alalay tiklo sa P100K shabu

February 23, 2022 @ 1:12 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong tulak ng shabu sa ginawang pagsalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang sinasabing drug den sa Caloocan City noong Martes.

Swak sa hoyo ang suspek na nakilala lamang sa alyas na “Reggie” na itinuturong “caretaker” ng nasabing drug den sa Barangay 43, ng naturang lungsod, at dinampot din ang dalawang alalay ng una.

Nabatid, isang undercover ang umiskor ng shabu kay Reggie at nang magkaliwaan ng marked money at epektus ay dinamba na ang mga suspek.

Aabot sa 15 gramo ng shabu na may presyong P102,000 ang nasamsam sa mga dinakip.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Merly Iral