Cargo, foreign vessel nagbanggaan sa South Harbor Anchorage area — PCG

Cargo, foreign vessel nagbanggaan sa South Harbor Anchorage area — PCG

July 8, 2021 @ 11:30 AM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iniulat na nagbanggaan ang cargo vessel at isang foreign utility vessel sa karagatan ng South Harbor Anchorage area sa Maynila, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Base sa PCG, naganap ang banggaan ng MV Palawan Pearl at BKM 104 bandang 2:10 ng umaga.

Sinabi rin na halos nakalubog pa ang MV Palawan Pearl at may “oil sheen” sa paligid ng cargo vessel.

 

Ayon kay Rexchel Fabrigas ng MV Palawan Pearl, ang kanilang oil storage tank ay puno ng 3,000 litrong diesel bago pa ang insidente.

Karga rin nila ang drum ng diesel oil; 60 litrong engine oil; at limang litrong bilge oil.

Samantala, maglalagay na ng apat na segment ng oil spill boom ang PCG Marine Environmental Protection Command.

Wala namang nasugatan sa nangyari. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •