Cargo ship sumadsad sa Sorsogon

Cargo ship sumadsad sa Sorsogon

January 23, 2023 @ 9:48 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Sumadsad ang isang cargo ship sa Barcelona, Sorsogon dahil sa masamng panahon, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Linggo.

Nakasaad sa incident report mula sa PCG na umalis ang landing craft tank (LCT) Regent 101 mula Lazi, Siquijor nitong Jan. 19 patungong Lidong, Albay nang makasagupa ang masamang panahon nitong Enero 20.

“While navigating the vicinity waters off Barcelona, the vessel encountered strong winds and big waves, causing it to be drifted into the shallow waters,” anang PCG.

Nadala ang barko sa katubigan ng Sitio Boracay sa Barangay Luneta, ayon sa PCG.

Inispeksyon naman ng Coast Guard Station Sorsogon ang hull integrity ng distressed vessel para sa posibilidad ng oil spill, at ang kalapit na seabed para sa marine damage.

Ang distressed vessel ay pagmamay-ari ng Southern Regent Shipping Inc. RNT/SA