Cargo vessel na may kargang 800K litro ng langis lumubog sa Romblon

Cargo vessel na may kargang 800K litro ng langis lumubog sa Romblon

February 28, 2023 @ 12:41 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Lumubog ang isang motor tanker na may dalang daan-daang libong litro ng industrialized fuel oil sa Tablas Island sa Romblon kaninang madaling araw ng Martes, sinabi ng opisyal ng daungan sa Batangas.

Ani Dr. Joselito Sinocruz, tagapamahala ng Batangas Port, sa interbyu sa dzBB na nailigtas ng dumaang dayuhang barko ang lahat ng 20 katao na sakay ng MT Princess Empress.

“Ang tripulante nailigtas lahat, 20 katao kasama ‘yung kapitan,” aniya pa.

Ang tanker, na patungo sa Iloilo, ay may dalang 800,000 litro ng industrialized fuel oil, sabi ni Sinocruz, mula sa impormasyong galing sa kapitan ng MT Princess Empress.

Nangyari ang insidente dakong alas-2 ng madaling araw dahil sa malakas na alon, dagdag ni Sinocruz.

Sinabi ng opisyal na wala pa silang natatanggap na impormasyon kung nagkaroon ng oil spill, ngunit nai-report na ang insidente sa Philippine Coast Guard para sa kaukulang aksyon. RNT