Cargo vessel sumadsad sa Iloilo river

Cargo vessel sumadsad sa Iloilo river

October 8, 2018 @ 6:06 PM 4 years ago


 

Iloilo – Isang cargo vessel ang sumadsad sa mababaw na bahagi ng Iloilo river dahil sa lakas ng agos.

Ayon sa PCG, ino-operate at may-ari ng Fortune Sea Carrier ang MV Ricky Rey na sumadsad  sa baybayin ng Iloilo, tinatayang 50 metro mula sa Parola Compound.

Nang matanggap ng naka-duty na Pre-Departure Inspector (PDI) Parola, Coast Guard Station Iloilo ang insidente ay agad tinawagan ang Master ng cargo vessel upang imonitor at magsagawa ng precautionary measures.

Nagsagawa din ng ocular inspection at may nakitang oil sheen na lumalabas mula sa cargo vessel.

Sa imbestigasyon, papasok na ang MV Ricky Rey sa Iloilo River nang sumadsad ang barko sa mababaw na bahagi ng tubig at tinangkang imanuever ngunit hindi na kinaya pa.

Hindi rin ito agad nahila ng tug boat dahil sa babaw ang tubig bunsod ng low tide. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)