Cargo vessel sumadsad, tripulante patay – PCG

Cargo vessel sumadsad, tripulante patay – PCG

November 5, 2022 @ 12:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Patay ang isang tripulante habang nailigtas naman ang limang kasamahan nito mula sa sumadsad na cargo vessel sa Botolan, Zambales.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) may kargang buhangin ang barko patungong Maynila at Palawan nang mangyari ang insidente sa baybayin ng Barangay Banga sa nasabing bayan.

Naghihintay lamang umano ng karagdagang suplay ng langis at clearance sa paglalayag ang barko nang abutan ng malaking alon dahilan para sumadsad.

Bago pa man dumating ang mga rescuers ay tumalon na sa dagat ang nasawi na tripulante ngunit sa lakas ng hampas ng alon ay natangay din ito hanggang sa malunod.

Tumagal pa ng 12 oras bago natagpuan ang katawan ng biktima.

Agad namang dinala sa Ospital ang iba pang nasagip na tripulante para malapatan ng paunang lunas. Jocelyn Tabangcura-Domenden