Carla Abellana at Tom Rodriguez, nagpaplano nang magpakasal?

Carla Abellana at Tom Rodriguez, nagpaplano nang magpakasal?

July 6, 2018 @ 4:47 PM 4 years ago


Pinaplano na ng showbiz couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang lumagay sa tahimik.

Ayon sa 32-year-old na Kapuso actress, sana raw ay bago siya mag-35 may asawa’t anak na siya.

“Pareho na kaming nasa 30-plus, na kumbaga, lahat ng paghahanda ginagawa na po namin—financially, mentally, emotionally… ginagawa na po namin.

We are doing our best to prepare ourselves na kami na.”

Pero sa ngayon din aniya ay wala pa talagang kongretong detalye.

“May plans na po, pero in terms of date, wala pa po honestly.”

Pagdating naman sa pagbubuntis at pagbuo ng pamilya, lagi raw siyang pinaaalalahanan ng kanyang mga doctor na nasa 30s na siya.

“Ang mga doctors po, honestly, dahil nga nasa 30s na ako, lagi po silang nagpapaalala na huwag masyadong matanda [magbuntis]. Dahil mas risky para sa isang babae,” kwento ni Carla.

At kung tatanungin naman kung ilang anak ang gusto nito, oks na raw sa kanya ang dalawa, isang lalaki at isang babae.

Taong 2014 pa nang magsimulang mag-date ang dalawa. (Remate News Team)