Carla Abellana, may hugot sa mga aso!

Carla Abellana, may hugot sa mga aso!

November 22, 2020 @ 9:09 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Kilala ang Kapuso actress na si Carla Abellana na passionate sa pagsagip sa mga abandoned, sick, and lost animals.

O ‘di nga ba, nang nag-alburoto ang Taal Volcano noon ay isa si Carla sa sumugod sa bayan na naapektuh22an ng pagsabog ng bulkan? Tumulong pa siya sa pagsagip ng mga alagang hayop na naging biktima rin at napabayaan ng may-ari.

Ngayon, pagkatapos humupa ang bagyong Ulysses ay muling nag-iwan ng mga patay na aso ang bagyo dahil nalunod ang mga ito sa biglang pagbaha.

At nang nakita ito ni Carla, muli ay nadurog ang kanyang puso sa awa sa mga asong nasawi at nasugatan.

Hindi napigilan ni Carla na ilabas ang kanyang hinaing sa mga amo ng napabayaang aso.

Sa kanyang social media account ay nag-post si Carla ng larawan ng isang asong puno ng putik sa buong katawan.

“Please unchain your dogs and unlock their cages if you cannot evacuate with them during times of emergencies or disaster. Please. Would you rather they run for safety or be left with no choice but to die?” sabi niya sa caption.

Nagpasalamat naman si Carla sa mga members ng animal rescue foundation na PAWS Philippines na sumagip sa maraming aso pagkatapos ng bagyo. Wally Peralta


  •  
  •  
  •  

Loading...