Carla, magbibigay ng update sa annulment?

Carla, magbibigay ng update sa annulment?

September 16, 2022 @ 11:00 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Mukhang bubusugin muna ng Sarap Di Ba ang kanilang mga viewers bago ihain ang kanilang malaking pasabog ngayong Sabado.

Panauhin kasi ng Legaspi family ang kontrobersyal na si Carla Abellana.

For the foodies out there, abangan ang happy dish ni Carla, ang truffle pasta-inspired carbonara with pesto and cheese bread.

Are the viewers to assume na happy dish nga niya ito para maka-move on sa failed marriage nila ni Tom Rodriguez?

Since hindi mawawala ang tsikahan, do we expect na magbibigay si Carla ng updates sa inaasikaso niyang annulment ng kanilang kasal?

It’s been a while since huling napanood si Carla in any of GMA’s programs.

Magandang samantalahin na niya ang guesting niyang ito to clarify certain issues.

Let’s face it, with her breakup with Tom ay tila nagkasunud-sunod na ang mga celebrity couples na naghihiwalay.

Hope Carla is not setting a trend.

Anyway, joining the Saturday fun is Boobay.

Plus abangan ang Pakidstaran ng tatlong bibong bagets as they churn out their bonggang performance.

Nagbabalik din ang P5k giveaway promo sa masuwerteng viewer.

All this and more ngayong happy Saturday with the happy Legaspi family! Ronnie Carrasco III