Carla, may ibinunyag sa lolo!

Carla, may ibinunyag sa lolo!

May 3, 2022 @ 6:17 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi ang tungkol sa estado nila ng asawang si Tom Rodriguez ang paksa ng Instagram Story ni Carla Abellana kundi ang tungkol sa kanyang lolo.

Ibinahagi ng aktres ang screen shot ng testimonya ng beteranang aktres na si Boots Anson-Rodrigo hango sa IG Story ng pinsan niyang nagngangalang Samantha Chan.

Umiikot ang testimonya ni Boots tungkol sa karahasan noong Martial Law.

Ayon sa salaysay ni Sam, isa ang lolo niya na dumanas ng karahasan, noong ito’y makulong nang wala namang atraso.

Dagdag ni Sam, tama namang hindi tayo mamuhay sa nakaraan o hindi natin kayang baguhin ang kasaysayan “but we can build a bright future.”

Sinusugan naman ito ni Carla.

Inamin ng Kapuso actress na pinsan nga niya si Sam.

At lolo nga nila ang ikinulong samantalang nagkataon lang na may maganda itong negosyo.

Ang propyedad ng kanyang lolo ay may 25 ektarya ang sukat at matatagpuan sa Sta. Ana na gusto raw kamkamin.

Hindi binanggit ni Carla kung lolo niya ‘yon sa side ng ama o ina.

Pero masuwerte raw ito dahil hindi pinatay o napabilang sa mga basta na lang naglaho. Ronnie Carrasco III