Carla, may rich politician na manliligaw?

Carla, may rich politician na manliligaw?

October 6, 2022 @ 8:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Balitang may nagpapalipad-hangin kay Carla Abellana.

Isang mayamang politician daw ito.

Hindi ito ang first time na makaengkuwentro ang Kapuso actress ng may sinasabi sa daigdig ng negosyo at pulitika.

Dati na ring na-smitten sa kanya ang isang politician na may pananagutan na sa buhay.

Siguradong aware ang kanyang bagong manliligaw sa estado niya at present.

Divorced na siya kay Tom Rodriguez but their marriage has yet to be annulled.

May chance kayang muling umibig si Carla?

And why not?

Samantala, mahaba ang emote ni Carla sa kanyang social media account as she slammed horse fighting.

Napag-alaman na isinasagawa pala ang horse fighting sa Sarangani Province.

Ito’y pakikiisa sa Artists Against Animal Cruelty ng grupong PAWS na mahigpit na tumututol sa anumang animal fighting sa bansa.

Ani Carla, bakit daw nasisikmura ng ilang tao ang animal fighting just because it’s a form of entertainment?

Kilalang animal lover si Carla kaya ganoon na lang ang kanyang malasakit sa mga hayop. Ronnie Carrasco III