Carla, na-bash sa pagiging daring!

Carla, na-bash sa pagiging daring!

January 11, 2023 @ 7:30 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Hati ang reaksyon ng mga netizens patungkol sa daring photo shoot ni Carla Abellana which she posted on Instagram.

May isa kasing kuha siya kung saan kita ang gilid ng kanyang katawan, thus partly exposing her boobs.

Still another photo shows Carla with her cleavage bagama’t natatakpan ng kanyang pang-itaas ang malulusog niyang dibdib.

These shots have drawn ambivalent reactions from the netizens.

May mga nagkakagusto saying na hindi naman daw bastusin ang dating ng mga litratong ‘yon.

Dati na rin naman daw sexy si Carla, kaya no big deal kung magpalitrato siya ng ganu’n.

Hindi nga lang ma-reconcile ng ilang netizens ang nakasanayan na nilang sweet image ni Carla.

Paraan daw ba ng aktres ‘yon para maghiganti sa dating asawang si Tom Rodriguez?

Kung hindi raw ba separada ang aktres ay magkakaroon siya ng guts to pose sexy?

Para raw kasing late na kung magpapaka-daring si Carla at this point in her career.

Sana man lang daw ay noong neneng-nene pa siya, but not at her age now.

Nilakipan pa ni Carla ng cryptic post ang kanyang sexy pics.

She wrote: “There’s beauty in the darkness. There’s peace in the silence. There’s purpose in the pain. You just have to believe.”

So, dahil single siya uli kaya ito ang napili niyang transition?

Samantala, soap making ang pinagkakaabalahan ni Carla which she has learned to achieve to perfection.

Aakalain mo ngang mga “cake” ang mga gawang sabon niya which look inviting to one’s palate.

Marami tuloy ang nagsa-suggest na magpakuha rin ng litrato si Carla habang naliligo gamit ang gawang sabon.

Nagpapa-sexy rin lang naman daw siya, lubus-lubusin na niya! Ronnie Carrasco III