Carla, naghahanda sa annulment case?

Carla, naghahanda sa annulment case?

May 31, 2022 @ 9:00 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Desidido na raw talaga si Carla Abellana na ipa-annul ang kasal nila ni Tom Rodriguez.

Doing the Math, tatlong buwan pa lang silang ikinakasal.

Mas mahaba pa ang kanilang live-in period sa mismong married life ni Carla.

First quarter ng taong kasalukuyan nang pumutok ang balitang naghiwalay sila.

Kapwa tikom ang kanilang bibig as to the reason behind the separation.

It took Rey PJ Abellana, Carla’s father, para ibunyag ang dahilan.

Nakipag-one night stand daw si Tom, na agad namang binawi ng senior actor matapos sitahin ni Carla.

At ngayon nga, inihahanda na raw ni Carla ang mga mahahalagang papeles para sa annulment.

Pakiusap naman ng publiko sa aktres, sana raw ay magsalita na ito once and for all.

Ito’y para pasinungalingan na rin ang usaping kumukuwestyon sa sexual orientation ng kanyang estranged husband. Ronnie Carrasco III