Carla, nagpa-tattoo, nagmu-move on?

Carla, nagpa-tattoo, nagmu-move on?

February 7, 2022 @ 3:36 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Trending topic ngayon sa social media ang pagpapa-tattoo ni Carla Abellana.

Duda ng netizens, part ito nang pagmu-move on ng aktres.

Ibinahagi niya mismo ito sa kanyang YouTube channel kung saan makikitang kasama nito, hindi ang asawang si Tom Rodriguez, kundi ang kapatid.

Paglilinaw nito, matagal na talaga niyang plano ang magpa-tattoo ng dalawa, pero for now, isa lang muna ang ipalalagay niya.

“I’ve been wanting to get a new tattoo actually. I’ve been planning to get two tattoos. But today, I will get just one. One lang muna,” saad ng aktres.

“Hindi ba dapat ang asawa niya ang kasama sa mga ganitong bagay? No confirmation pero mukhang hiwalay na nga,” komento ng netizens.

Bukod sa vlog ng aktres, ibinahagi niya rin ito sa kanyang Instagram stories. Paula Jonabelle Ignacio