Carla, nagsalita sa divorce nila ni Tom!

Carla, nagsalita sa divorce nila ni Tom!

November 17, 2022 @ 8:30 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Ayon kay Carla Abellana, hindi pa nagsi-sink in sa kanya na divorced na siya sa dating asawang si Tom Rodriquez, lalo na’t hindi pa naman ito ipinatutupad sa Pililipnas.

“Hindi pa. You know why? Because number one kasi, divorce doesn’t exist in the Philippines. ‘Di ba alam naman natin ‘yan, either legal separation lang ‘yan or nullity ng marriage,” sabi ni Carla sa interview sa kanya sa podcast na ‘Updated with Nelson Canlas’.

Patuloy niya, “So dahil foreign ang divorce at wala sa atin, hindi pina-practice dito, hindi pa siya fully nagsi-sink in kasi sa ibang bansa na-process, eh, it was processed in the United States kung saan existing ang divorce.

“Dito kasi hindi, of course iba ang ating legal system dito. So technically, kumbaga ‘yung mind ko, fully aware naman na, ‘yes, divorce technically.’

“Kumbaga when I go to the United States, divorced ako doon, single ako ulit, I am free, ‘yung ganu’n ba.”

Para sa aktres, iba pa rin ang pakiramdam kung ganap na kinikilala ang diborsyo sa ating bansa.

“I don’t know, maybe sa akin lang ‘yon, sa mind ko lang ‘yon. Pero kasi iba pa rin ‘yung sa atin ‘pag recognized na ng mismong local court natin, ng legal system natin. Iba pa rin ‘yung, ‘Okay, divorced ka doon, single ka na.’ Pero dito hindi, so hindi pa siya nagsi-sink in,” aniya

Diretsahan ding sumagot si Carla na hindi lang isang bagay ang dahilan ng breakup nila ni Tom.

“I cannot answer that question kasi madami, madami pong dahilan. Hindi po mababaw, hindi po ganu’n kadali, hindi po isang bagay lang. Talagang maraming reasons as to why [we parted ways]. Madami naman talaga.”

Ayon pa kay Carla, hindi pa siya kinakausap ni Tom, na huli niyang nakita noong Pebrero. Nalaman din niya mula sa kanilang manager na lumipad patungong Amerika si Tom noong Marso.

“But since then, walang phone calls, no text messages, nothing,” sabi ni Carla.

“Since then, wala talaga ever since. So it’s been what..more than six months na walang ganu’ng communication. Dahil hindi na rin naging maganda ‘yung mga nangyari, eh, seryoso na talaga and ibang usapan na, lawyers were already involved. Umabot sa point na ‘yung lawyers na lang ang nag-uusap.

“So definitely, no communication since February, mga ganiyan, March. So ang tagal na, no anything. No phone calls from both ends — walang nagri-reach out, walang tumatawag, walang nagme-message, nothing.” Rommel Placente