Carla, nawindang sa ipinagagawang bahay!

Carla, nawindang sa ipinagagawang bahay!

October 17, 2022 @ 11:06 AM 2 months ago


Manila, Philippines – March this year nang simulan daw ang construction ng sariling bahay na ipinagagawa ni Carla Abellana.

Doing the math, may pitong buwan na ang lumalakad na panahon.

And yet semento pa raw ito!

Pag-amin ng Kapuso actress, “Hindi ko pa ma- visualize ang itsura niya kasi puro semento pa. Siguro pag may mga poste man lang, mai-imagine ko na what it’s gonna be like.”

Isa lang daw ang tiyak: seeing her dream house under construction is freaking her out!

Nawiwindang daw si Carla sa gastos lalo pa’t she’s spending on it all by herself.

“My God, naloloka ako sa presyo ng mga construction materials. Buti na lang kahit paano, may dumarating na trabaho.”

Iyon ang bahay na nabalita after her separation from Tom Rodriguez became the talk of the town.

But Carla would not make any disclosure about the house except for the fact na sarili niya ‘yon.

Hindi rin niya sinabi ang target of completion nito.

One thing for sure: at the latest presscon for her product, okey lang pag-usapan ang bagong bahay.

But never about her dating buhay with Tom! Ronnie Carrasco III