Carlo at Trina, hiwalay na?

Carlo at Trina, hiwalay na?

January 19, 2022 @ 4:18 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Magka-live-in pa kaya sina Carlo Aquino at ang non-showbiz girlfriend n’yang si Trina Candaza? O nagkalabuan na sila kahit na may isang anak na sila?

May netizens na ganyan ang mga tanong ngayon dahil napuna nilang nag-unfollow sa isa’t isa sa Instagram sina Carlo at Tina.

At pareho silang may cryptic (mahiwaga) posts, na may kaugnayan sa anak nilang si Enola Mithi na one-year old pa lang.

Nag-post si Carlo ng litrato nilang mag-ama na ang caption lang ay: “Buong puso.”

Trina, on the other hand, uploaded a picture of Enola looking out of the window.

“You’ll grow beautifully in your own way (cherry blossom emoji) – Dhiman,” her caption read

Mabilis ang reaction ng ilang followers nila. “Sabi agad ng isa: “’Di na kayo goods ni Trina? Napansin ko kasi ‘di ka na naka-tag sa mga stories niya. Pati sa latest ‘fam’ pic nio.”

Sabi naman ng isa pa: “Bakit po nka unfollow kayo kay @jose_liwanag.”.

As kf this writing ay nag-“follow” na uli sa isa’t isa sina Carlo at Trina. Danny Vibas