Carlo, may sama ng loob, nagsalita na sa ex!

Carlo, may sama ng loob, nagsalita na sa ex!

January 11, 2023 @ 8:30 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Sa isang interview ni Carlo Aquino ay naglabas siya ng saloobin tungkol sa tunay na estado ng co-parenting agreement nila ng dating live-in partner na si Trina Candaza para sa kanilang anak na si Mithi.

Ayon sa aktor, hindi siya masyadong affected sa pamba-bash sa kanya ng mga netizens tungkol sa naging relasyon nila ni Trina, dahil ang inaalala niya ngayon ay ang anak na si Mithi.

“Well, ever since naman ganu’n na ‘yung tingin nila sa akin, eh, ‘di ba? Hindi mawawala ‘yung bashing talaga lalo na kapag masaya ‘yung isang tao.

“Para sa akin, as long as intact ‘yung inner circle ko at hindi nanggagaling ‘yung hate at bashing sa mga nagmamahal sa akin, bakit ko papansinin?” simulang sabi ni Carlo.

Patuloy niya, “Ang nakakaapekto lang talaga sa akin is hindi ko nakikita ‘yung daughter ko since November.”

Nag-reach out ba siya kay Trina para pag-usapan ang kapakanan ng kanilang anak?

Sagot ni Carlo, “Ayaw ko kasing magsalita ng anything against her, ‘di ba?

“Kasi at the end of the day, mom siya ni Mithi. Basta nag-reach out po ako. Tinanong ko po kung kailan ko pwedeng makasama, New Year ba, kasi usually ganu’n po, eh.

“Wala pong sagot. Siyempre importante ‘yung time with me, ‘yung time din with my parents, ‘yung lolo’t lola na senior na, sina Mommy at Daddy.

“Sana, ‘di ba, mahiram ko naman. Tutal nagpo-provide ako para sa kanilang dalawa, ayoko nang isa-isahin ang mga kailangan nila,” ang sentimyento pa ni Carlo.

“Every time naman talaga magbibigay ako ‘yung alam kong kailangan niya, ‘yung alam kong hindi kalabisan para sa edad niya,” pagbabahagi pa niya.

“Nu’ng nakikita ko pa po si Mithi, binilhan ko siya ng cellphone. Na every time na magkikita kami, magbi-video kami ng mga ginagawa namin para eventually makikita niya ‘yon na mahal na mahal ko siya.” Rommel Placente