Carlo, nilayasan ng pamilya!

Carlo, nilayasan ng pamilya!

January 30, 2022 @ 1:20 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Mukhang tuloy-tuloy ang break up hanggang ngayong 2022!

Matagal na naging usap-usapan ng lahat ang hiwalayan nina Carlo Aquino at Trina Candaza pero mukhang this time, hindi na lang siya basta usap-usapan dahil na rin sa patama ng pangalawa sa social media.

“You will really know your worth to your partner if ano magiging actions niya ‘pag wala ka na sa kanya.

“Kung may pinupuntahan na agad na babae…

“‘Wag na kayo umasang magbabago pa ‘yung jowa niyo na sakit sa ulo, hindi na ‘yan magbabago,” saad ni Trina sa kanyang FB page. (posted as is)

Umani ito nang maraming reaksyon mula sa netizens at karamihan ay kino-comfort si Trina.

Matapos ang post na ito, mukhang pinatotohanan din ni Candaza ang balitang nilayasan nilang mag-ina si Carlo dahil sa latest post naman nito kung saan ipinakita niya sa vlog ang bagong tahanan nila ng anak na si Enola Mithi.

As of press time, wala pa namang binibigay na pahayag si Aquino patungkol dito.

Netizens are asking, “Parte na rin ba ng new normal ang pagloloko?”

Luh. Paula Jonabelle Ignacio