Carlo, pasok sa international project!

Carlo, pasok sa international project!

January 20, 2023 @ 5:16 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines- Bongga si Carlo Aquino dahil sasabak siya sa kanyang kauna-unahang international project, huh! So, isa na siyang international actor.

Ang exciting news ay ibinandera mismo ng Star Magic Head na si Lauren Dyogi sa isang Instagram post.

Proud na ibinahagi ni Lauren na ongoing na ang taping ni Carlo sa Tokyo, Japan at kasamna ang ilang sikat na Japanese artists.

Sey ni Lauren sa IG, “As Star Magic ventures into international collaboration for our artists, Carlo starts filming his latest project in Tokyo co-starring with Japanese Hollywood actor Takehiro Hira (Snake Eyes) and Sho Ikushima.

“Also playing an important role is another Star Magic Artist and half Japanese Kei Kurosawa.

“This film is being directed by Donie Ordiales who studied Film in Japan and is currently based in Tokyo as well.”

Proud na sinabi ni Lauren sa social media na maganda ang collaboration nina Carlo at ng nabanggit niyang veteran international actors.

“Iba energy nila together. What a privilege to witness this cinematic magic unfold,” caption ni Lauren sa isang IG post.

Congratulations Carlo!

Nagkatotoo na naman ang kasabihang kapag may nawala sa ‘yo ay may darating namang kapalit.

Matatandaan na kasama sana si Carlo sa Netflix hit series na Squid Game, pero hindi siya natuloy doon dahil hindi siya makabiyahe noong kasagsagan ng pandemic. Rommel Placente