Carlos: Human rights, primary; ICC hayaang mag-imbestiga

Carlos: Human rights, primary; ICC hayaang mag-imbestiga

June 24, 2022 @ 2:00 PM 4 days ago


MANILA, Philippines- Nangako si Political Science professor Clarita Carlos na bibigyan ng mataas na pagpapahalaga ang paggalang at proteksyon sa bawat karapatang-pantao ng bawat indibidwal habang naghahanda siya sa kanyang pag-upo bilang incoming National Security Adviser ng administrasyong  Marcos.

“Human rights is primary. Kasi human security is the highest premium… ano naman ang ma-aano mo kung ang sarili mong kapakanan ay hindi maprotektahan ng state?” ayon kay Carlos sa latest episode ng The Mangahas Interviews.

“So, the first protection is really the protection of the individual. So ‘yun ang tutukan natin. Yun ang basic platform natin,”  ayon kay Carlos.

“Pero hindi ako lumabas dun sa military na hindi mo na papakialaman ang external factors, pay attention to it. Ang sinasabi ko lang mas malapit sa damdamin ng tao, ‘yung security niya as an individual,” diing pahayag ni Carlos.

Samantala,  pabor naman si Carlos  na dapat na ituloy ng  prosecutor’s office  ng International Criminal Court (ICC) ang imbestigasyon kaugnay sa  di umano’y extrajudicial killings sa ilalim  ng kampanya laban sa ilegal na droga ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte.

“10,000 times na ako na-interview tungkol diyan and I’ve declared already so many, many, many times imbestigahan ninyo iyang extrajudicial killings on the basis of which mag-iimbestiga ang ICC,” anito.

“Let them investigate. As a matter of fact, I said, ‘you invite them here. We have a team of scholars like us who can accompany them… ‘wag tayong minders. Bigyan mo sila ng alagwa na hanapin ang data na kailangang hanapin. Then, let them have their conclusions, whatever it is,” dagdag na pahayag ni Carlos.

“Kailangan kino-confront mo ‘yan directly otherwise nagra-rankle,” aniya pa rin. Kris Jose