Carlos: Mastermind sa Maguindanao bus blast, tugisin!

Carlos: Mastermind sa Maguindanao bus blast, tugisin!

April 26, 2022 @ 9:47 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Dionardo Carlos ang Bangsamoro police na magsagawa ng hot pursuit operations laban sa mga salarin sa likod ng insidente ng pambobomba noong Linggo sa Parang, Maguindanao.

Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ni Carlos na inatasan niya si Bangsamoro regional director Police Brigadier General Arthur Cabalona na paigtingin pa ang checkpoints, police patrols, focused intelligence, at law enforcement operations para kilalanin at arestuhin ang mga salarin.

“While we express our heartfelt sympathy to the wounded, we assure them of our keen resolve and commitment to bring to justice those responsible for this uncivil attack on persons,” ani Carlos.

“A thorough investigation including the review of CCTVs for identification of the person behind the IED explosion was initiated to possibly identify any Person of Interest.”

Sa pagbanggit sa mga inisyal na ulat, sinabi ng PNP na sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa loob ng likurang bahagi ng pampasaherong bus na patungong Dipolog City mula sa General Santos City bandang 6:40 ng umaga noong Linggo.

Ayon sa PNP, natagpuan ng mga pulis at iniwang pangalawang IED sa loob ng bus.

Sinabi ng PNP na apat sa 23 pasahero ang nasugatan at dinala sa pinakamalapit na ospital.

Naka-discharge na ang dalawa habang nasa stable na kondisyon ang dalawa sa Cotabato Regional and Medical Center. RNT