Carmina, ‘di pinanonood ang love scene ni Zoren!

Carmina, ‘di pinanonood ang love scene ni Zoren!

May 18, 2022 @ 11:00 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Klaro ang kasunduan ng mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi when it comes to their respective work.

Tulad na lang ng role ni Zoren sa afternoon drama ng GMA na Apoy sa Langit.

Zoren plays Cesar, isang furniture contractor ng namayapang asawa ni Maricel Laxa.

Zoren gets to be paired to the young Lianne Valentin, kaya  bilang magkalaguyo ay may intimate scenes sila.

Kinailangang i-achieve ni Zoren ang bagets look para bumagay kay Lianne.

Ang nakakatawa, kung sino pa ang bata’t babae sa cast ay siya pang may basbas ng mga magulang to go sexy.

Sa kaso ni Zoren, hindi na niya inaasahang pinapanood siya ni Carmina.

Unwritten rule daw kasi sa kanilang mag-asawa na kung sinuman sa kanila ay merong maiinit na eksena on screen ay hindi pinanonood ng isa.

Zoren would also refuse din daw to see his wife in intimate scenes with her leading man.

Samantala, todo puri si Zoren sa kanilang direktor na si Laurice Guillen.

Alam naman natin na direktor din si Zoren but with direk Laurice at the helm, “You have to be a thinking actor.”

Siyempre, Zoren gains a lot of insights from Laurice na nagagamit niya sa pagdidirek. Ronnie Carrasco III