Carmina, emosyunal sa regalong Hermes ni Mavy!

Carmina, emosyunal sa regalong Hermes ni Mavy!

August 18, 2022 @ 9:41 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Party- themed ang episode this Saturday ng Sarap Di Ba? dahil espesyal na araw ng main host na si Carmina Villaroel.

Carmina turned 47 nitong August 17.

Bago rito’y nagkaroon na ng Blackbird dinner ang buong Legaspi family sa Nielsen Restaurant.

Ito’y kung saan buong pagmamalaking gamit na ni Carmina ang regalong pinag-ipunan ng anak na si Mavy.

Isang Hermes luxury bag, a Picotin Lock 18 in color Mauve Sylvestre ‘yon na matagal na palang ipinangako ng self-confessed mama’s boy.

Touching nga ang birthday message nito sa ina, “I will do my best because you deserve everything!”

Kumpleto siyempre ang pamilya ng TV host-actress with SDB director Zoren Legaspi and the other kambal Cassy.

Sa kabila ng saya ay hindi maiwasang maging emosyonal si Carmina dahil kailan lang ay pumanaw ang kanyang ama who Mavy used to address Daddy Groovy.

Papa’s girl kasi si Carmina.

Abangan ang iba pang pasabog sa birthday episode ni Carmina ngayong Sabado! Ronnie Carrasco III