Carmina, iniyakan ang ‘pakikipaghiwalay’ sa pamilya!

Carmina, iniyakan ang ‘pakikipaghiwalay’ sa pamilya!

January 28, 2022 @ 7:23 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Tiniyak ni Carmina Villaroel na hindi mabibitin ang mga masugid na tagasubaybay ng Sarap ‘Di Ba? dahil marami siyang naibankong episodes.

Aside from hosting the Saturday family show ay magiging abala ngayon si Carmina sa lock-in taping ng teleseryeng Widow’s Web.

Makikita sa video na in-upload niya on Instagram ang emosyonal na yakapan nila ni Cassy.

Magho-hotel quaranting muna ang TV host-actress and will be locked in until March.

Sa video nga’y parang naitsa puwera si Zoren Legaspi who later joined the group hug.

Wala sa video si Mavy na nagte-taping naman for I Left My Heart in Sorsogon.

Kung until March pa ang lock-in taping niya, once can just imagine how many episodes ang nilagare ni Carmina.

Masakit man sa loob niya na mawalay sa pamilya, no choice si Carmina to grab another career opportunity, “Aminado ako na I’m a cry-baby most especially when it comes to my family.”

In the meantime, si Cassy muna ang magtitimon ng show in her mother’s absence.

Go girl, prove you’re a smart TV host! Ronnie Carrasco III