Carmina, isasabong ang mga biritero!

Carmina, isasabong ang mga biritero!

September 2, 2022 @ 12:00 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Biritan of all biritan ang gagawing pagsasabong ni Carmina Villaroel sa kanyang mga guests ngayong Sabado sa Sarap Di Ba!

Abangan ang singing showdown nina Zephanie Dimaranan, the Clashers at mga noo’y kids ng Centerstage.

Pagsasamahin ang tatlong season winners ng The Clash na sina Jessica Villarubin, Jeremiah Tiangco at Garrett Bolden in his last guesting bago tumungo ng Guam for Miss Saigon.

Sa hanay naman ng Centerstage, watch out for Vianna Ricafranca, Oxygen Dolorito, Colline Salazar at Rain Barquin.

All certified singing champs, magtatagisan sila sa mga challenges tulad ng Tiktokerist battle kung saan kakanta sila habang sumasayaw based on the songs sa randomizer.

To further test how far they go, tingnan natin kung makabirit pa sila habang niyuyugyog ng Shake Chair.

Yes, sadista ang peg ni Carmina sa labu-labong ito ng mga kampeon sa pag-awit.

Pero bumawi naman ang TV host as she prepares special Korean style burger para sa lahat ng pinagsabong niya.

‘Ika nga, pagkatapos niyang sadistahin ang mga ito, may suhol na lafang para hindi siya usigin ng kanyang konsensiya.

Kaya don’t miss yet another musical and exciting edition of Sarap Di Ba! Ronnie Carrasco III