Carmina, ‘Marites’ na rin ang peg!

Carmina, ‘Marites’ na rin ang peg!

October 22, 2022 @ 8:30 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Who’d ever suspect that a quiet woman like Carmina Villaroel who seems to value her privacy ay isa rin palang Marites?

Sa episode ng Sarap Di Ba? this Saturday, Carmina is joined by Kapitana Cookie and Belly in the new segment Mema Lang.

As the title suggests, tatalakayin nila ang latest sa showbiz.

Which brings us to the question: kasama rin ba sa topic na kanilang pag-uusapan ang alitan sa pagitan ni Lolit Solis at manager ni Carmina na si Shirley Kuan?

Anyway, barangay costume party ang tema ng SDB with special guest Kokoy de Santos.

To complete the fun, join na rin ang Legaspi twins Mavy and Cassy.

At dahil barangay ang tema, may agawan ng buko na magaganap as Cookie, Belly and Kokoy struggle to get hold of the greasy buko.

Abangan din ang moment ni Kokoy as he prepares bangus with tausi or tocho kung tawagin.

Sa Pakidstaran segment, watch out the two kids na magpapakitang-gilas ng kanilang mga talento.

Ang isa sa kanila’y ventriloquist at ang isa nama’y hula-hooper.

For the lucky SDB viewer, may P5K na naghihintay sa kanya!

Pero nakakaintriga talaga ang Mema Lang segment, na sana’y totoo sa pagbabalita. Ronnie Carrasco III