Carmina, may parinig sa GMA?

Carmina, may parinig sa GMA?

October 28, 2022 @ 5:53 PM 1 month ago


Manila, Philippines- Madaling nakagaanan ng loob ni Carmina Villaroel si Jillian Ward who plays her surgeon-daughter in GMA’s afternoon prime series Abot Kamay na Pangarap.

Simple lang ang dahilan for instantly developing a liking for Jillian: she reminds her of her real- life daughter Cassy.

Like Jillian’s character in the series, Cassy is such a sweet, loving child.
Kaya naman hindi kapwa nahirapan ang mag-ina sa serye na mag-adjust sa isa’t isa.

Right from the start, naging smooth ang kanilang working relationship.

On her part, sobrang ina-appreciate ni Jillian ang motherly advice ni Carmina.

The Sarap ‘Di Ba? host goes as far as sharing her life experiences with Jillian on career and on raising a family eventually.

Natutuwa naman si Carnina that her co-star is taking her advice well.

Wish ng misis ni Zoren Legaspi that since Jillian reminds her of Cassy ay mabigyan din ang mag-ina ng teleserye in the future.

‘Yun nga lang, hindi kaya ma-conscious si Cassy dahil kaeksena niya ang mahusay na ina?

Hamon na rin ito kay Cassy to prove she can do more than co-hosting with her mom.

Paging GMA, you may want to conceptualize a show for Carmina and Cassy! Ronnie Carrasco III