Carmina, pinipilit magpakatatag!

Carmina, pinipilit magpakatatag!

June 14, 2022 @ 7:30 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – It’s been more than a week pa lang mula nang mamaalam si Daddy Reggie, ang butihing ama ni Carmina Villaroel.

As it is now, ulilang lubos na ang TV host-actress.

And so is her life partner Zoren Legaspi.

Malungkot mang isipin but genuine artists adhere to the fact that the show must go on.

Ramdam namin ang bigat ng kalooban ng daddy’s girl na kailangang magtanghal pa rin.

Carmina tries to put up a brave front as she faces the loyal viewers of her Saturday morning show, ang Sarap Di Ba?

Buti na lang, she is joined by one of the Legaspi twins, si Mavy, para maitawid ang programa sa kabila ng family loss.

Si Cassy naman kasi ay busy sa taping ng First Lady.

Like a real pro that she is, pinipilit ni Carmina na magpakatatag.

Philosophically, alam niyang nasa paligid lang si Daddy Reggie watching over her.

Kaya sa Sabado, the fun continues on Sarap Di Ba?

Samantala, nakatatak na ang buwan ni June sa puso ni Carmina dahil ang buwan ding ito ang kamatayan ng kanyang manager na si Douglas Quijano.

Tiyak na may Happy Father’s Day celebration sa SDB bilang pagbibigay pugay ni Carmina sa mga dakilang ama. Ronnie Carrasco III