Carmona bilang component city, tintado na ni PBBM

Carmona bilang component city, tintado na ni PBBM

February 24, 2023 @ 4:02 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maging batas ang hakbang na idinedeklarang component city na ng probinsya ng Cavite ang dating munisipalidad ng Carmona.

Ang Republic Act No. 119381 o “An Act Converting the Municipality of Carmona in the Province of Cavite into a component city to be known as the City of Carmona” ay pinirmahan ng Pangulo nitong Huwebes, Pebrero 23.

Binibigyang mandato nito ang pagsasagawa ng plebisito sa loob ng 60 araw mula sa pag-apruba sa naturang batas.

Samantala, saad sa naturang batas, ang lungsod ng Carmona ay magiging bahagi pa rin ng 5th legislative district ng probinsya ng Cavite.

Magkakaroon naman ng mga sumusunod na corporate powers ang lungsod:

– To have continuous succession in its corporate name;
– To sue and be sued;
– To have and use a corporate seal;
– To acquire, hold, and convey real or personal property;
– To enter into contract agreement; and
– To exercise such other powers, prerogatives, or authorities granted to corporations, subject to the limitations provided under the Local Government Code of 1991.

Saad din sa RA 119381 na ang “present elective officials of the Municipality of Carmona shall continue to exercise their powers and functions until such time that a new election is held and the duly-elected officials shall have already qualified and assumed their offices.”

“Appointive officials and employees of the Municipality of Carmona shall, likewise, continue exercising their functions and duties and they shall automatically be absorbed by the City Government of the City of Carmona,” dagdag pa sa probisyon ng batas. RNT/JGC