Carmona, Cavite cityhood bill, lusot na sa Senado

Carmona, Cavite cityhood bill, lusot na sa Senado

January 31, 2023 @ 8:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inaprubhan ng Senado nitong Lunes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na nagsusulot na gawing lungsod ang bayan ng Carmona sa Cavite.

Nakakuha ang House Bill 3968 ng 19 affirmative votes, zero negative votes at zero abstention.

Ayon kay Senator JV Ejrecito, isponsor ng panukala at chairperson ng Senate local government committee, kapag napasa ito, ang bayan ng Carmona ang magiging unang munisipalidad na gagawing lungsod sa ilalim ng Republic Act No. 11683, na nag-amyenda sa Local Government Code of 1991 at pinadali ang pag-aapply para sa cityhood.

“Carmona has all the characteristics of a city but does not enjoy such privilege despite being one of the most prosperous municipalities in the entire country. This bill embodies the hard work, dreams, and aspirations of the people of Carmona,” pahayag ni Ejercito.

Sinabi ni Ejercito na bibigyang-daan ng pagpasa ng HB 3968 ang mas maraming oportunidad para sa mga tao at mas maraming investments para sa lokal na pamahalaan. RNT/SA