Carmona, kampeon sa FINIS Short Course swimfest

Carmona, kampeon sa FINIS Short Course swimfest

January 18, 2023 @ 1:06 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Sinimulan ng FINIS Philippines ang 2003 swimming program sa dinumog na FINA ISA Short Course Invitational Swim Meet nitong nakalipas na weekend sa Inspire Sports Academy Philippines sa Calamba, Laguna.

Kabuuang 21 koponan at swim clubs, sa pangunguna ng tinanghal na overall champion Carmona Angelfish Swim Team ang sumabak sa pambungad na aktibidad ng FINIS sa bagong taon.

“Nagpapasalamat po ang FINIS sa lahat ng mga sumususporta, gayundin sa mga swimmers at coaches na tumatangkilik sa ating programa. Makakasa po kayo na paiigtingin naming ang sports development program para matulungan ang ating pamahalaan na makatuklas ng mga talento na magagamit para sa ating Pambansa koponan,” pahayag ni FINIS Philippine Managing Director Vince Garcia.

Nakalap ng Carmona swim team ang kabuuang 797.60 puntos mula sa matikas na kampanya sa lahat ng age-group ompetition. Pumangalawa ang Saints Swim Club na may 715.50 puntos kasunod ang Viking Swim Team na humirit ng 435 puntos, Southpick Blue Shark (395) at Pakil Spring Swimming (371.50).

Nakumpleto ang Top 10 ng South Rapids Swim Team (326), Hydrojets Swim Club (226.50), Infant Jesus Kingfishers Swim (168), Pansol Calamba Swimming Team (128), at Bohol Splasher’s Team (105).

“We’re inviting all young swimmers regardless of affiliation, you’re all welcome to participate in all our events this year. Nationwide ang ating tournament, kaya mas marami pagpipilian para sa ating mga swimmers,” sambit ni Garcia.

Sa mga susunod na buwan, narito ang mga torneo na ilalargs ng FINIS:
FINIS Long Course swim series Mindanao Leg sa Marso 18-19 sa Douglas R Cagas Sportd Complex, Digos City Davao del Sur; Visayas Leg – Iloilo City Sports Complex Swimming Pool (April 22 – 23); Luzon Leg – Muntinlupa Aquatic Center (May 27 – 28); FINIS Long Course National Finals NCC Aquatic Center (June 24 – 25}; FINIS Shortt Course Swim Course Swim Competition Series Mindanao Leg – TBA (August 19 – 20); Visayas Leg – TBA (September 23 – 24); Luzon Leg – Alice G Esuardo Aquatic Center Inspire Sports Academy Calamba Laguna (October 21 – 22); Short Course Finals – NCC Aquatic Center (Nov. 18 – 19); FINIS Invitational Swim Meets Novice Swim Meet (Acropolis Sports Complex Swimming Pool Acropolis Greens Quezon City (Feb 25 – 26); Masters Swim Meet Alice G Esuardo Aquatic Center Inspire Sports Academy Calamba Laguna (March 4 – 5); Novice Swim Meet Alice G Esuardo Aquatic Center Inspire Sports Academy Calamba Laguna (April 15 – 16).RCN