Carnapper-rapist timbog matapos ang 3 taong pagtatago

Carnapper-rapist timbog matapos ang 3 taong pagtatago

October 2, 2022 @ 8:51 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sa karsel nagwakas ang halos tatlong taong pagtatago ng isang lalaking pinaghahanap sa kasong rape sa Leyte at kasapi rin ng isang kilabot na carnapping group matapos masakote ng mga operatiba ng Northern Police District.

Arestado si Alberto Panisan y Abrahan, 47, istambay, huling naniraharan sa Blk 12. Brgy. Valencia, Quezon City.

Si Panisan ay sinasabing miyembro ng Limos carnapping syndicate na naghahasik ng lagim sa Metro Manila, at ikaanim sa Most Wanted Persons ng Police Regional Office 8.

Ang suspek ay may nakabinbing warrant of arrest para sa kasong rape na inisyu ni Hon. Ephrem Suarez Abando, Presiding Judge ng Regional Trial Court, 8th Judicial Region, Branch 18, Hilongos, Leyte na may petsang Disyembre 20, 2019. Merly Iral