Cascolan sa kritiko: ‘Di lang puro medical knowledge

Cascolan sa kritiko: ‘Di lang puro medical knowledge

October 24, 2022 @ 3:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ni dating Philippine National Police chief Camilo Cascolan nitong Lunes, Oktubre 24 ang sarili sa pagkakatalaga bilang undersecretary ng Department of Health.

Ito ay makaraang makatanggap ito ng sari-saring kritisismo mula sa mga grupo kabilang na ang mga medical workers.

“Managing health is not just about medical knowledge. There are many doctors in the institution but balancing science and management and strategy is very important,” pahayag ni Cascolan,

Matatandaan nitong Linggo, Oktubre 23 ay kinumpirma ng DOH ang pagkakalagay kay Cascolan sa ahensya na agad tinawag ng grupo ng mga medical professionals na insulto sa mga health expert.

Matatandaang apat na buwan na sa termino ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay wala pang nailalagay na health secretary ang bansa.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Cascolan na hindi lamang ang kaalaman sa medisina ang kailangan dahil kasama din dito ang kanyang kaalaman sa pagbuo ng COVID-19 task force at nanguna pa siya sa administrative support.

Siya rin umano ang bumuo ng medical reserve force ng PNP at nanguna sa mga RT-PCR testing centers sa ilang mega quarantine facilities noong kasagsagan ng lockdown.

“I started COVID protocols in the initial stage when everybody was in a quandary,” pagbabahagi ni Cascolan

“Yes, let the people know that,” dagdag niya.

Dahil dito ay naniniwala siyang makatutulong ang kanyang pamamahala at strategic planning sa kanyang katungkulan sa DOH.

“Being a devolved service (health devolution), my experience on the ground and working with LGUs is also a factor that can bring the department closer to the people,” ani Cascolan.

Matatandaang naglingkod ito bilang PNP chief mula Setyembre 2020 hanggang Nobyembre 2020. RNT/JGC