Case build-up vs Bantag sa Bilibid excavation, gumugulong pa – SOJ

Case build-up vs Bantag sa Bilibid excavation, gumugulong pa – SOJ

December 19, 2022 @ 4:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Bumubuo pa ng kaso ang Bureau of Corrections (BuCor) laban kay suspended BuCor chief Gerald Bantag kaugnay ng paghuhukay sa loob ng New Bilibid Prison compound, ayon kay Justice Secretary Boying Remulla nitong Lunes.

“We will ask Director Gen. Catapang about the progress of the case, kung nakapag-prepare na sila ng kaso, kung tama na ang kanilang estimates. Siyempre, everything must be factual. You put everything in factual milieu para hindi tayo sasabihan na unfair tayo,” aniya.

Nadiskubre ang nine-story deep hole sa national penitentiary, na pinaniniwalaang hinukay noong panahon ng panunungkulan ni Bantag, ang itinuturong mastermind sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Nauna nang sinabi ni Bantag na ang hukay ay para sa konstruksyon ng isang diving pool tupang sanayin ang mga jail personnel para sa disaster response.

Subalit, ayon kay Remulla, personal na sinabi sa kanya ni Bantag na naghahanap siya ng Yamashita treasure o umano’y war loot na pinaniniwalaang ibinaon ni Japanese general Tomoyuki Yamashita at kanyang mga tauhan noong World War II. RNT/SA