Cash aid program ikinasa ng DSWD sa OrMin

Cash aid program ikinasa ng DSWD sa OrMin

March 18, 2023 @ 4:48 PM 5 days ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng gobernador ng Oriental Mindoro na nagkasa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng cash assistance program sa mga apektadong munisipalidad ng Oriental Mindoro sa loob ng isang buwan.

“Ang ating cash-for-work program ay tatagal nang 45 days (first wave) – hindi na siya 15 days lang,” pahayag ni Oriental Mindoro Gov. Bonz Dolor sa inter-agency meeting nitong Biyernes.

Sa ilalim ng programa, inatasan ang mga residente na mangolekta ng mga materyal na gagamitin sa paggawa ng improvised spill booms at oil absorbents.

Sinabi ni Dolor na matutulungan ng cash assistance program ang 14,504 residente na apektado ng slick. Babayaran ang eligible participants ng regional minimum wage kada limang araw, dagdag ng gobernador.

Ang cash-for-work program ng DSWD ay isang short term intervention na naglalayon na magbigay ng pansamantalang hanapbuhay sa distressed o displaced individuals tuwing may sakuna. RNT/SA