Cash aid sa apektadong manggagawa sa Alert Level 3 aarangkada na

Cash aid sa apektadong manggagawa sa Alert Level 3 aarangkada na

January 20, 2022 @ 5:00 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inihahanda na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagtanggap sa aplikasyon para sa financial assistance sa displaced workers na pektado ng restriksyon dulot ng pagpapatupad ng Alert Level 3.

“Hopefully, starting next week, tayo ay mag-oopen na ng system for application of CAMP (COVID-19 Adjustment Measures Program) for workers in the formal sector affected by Alert Level 3 or even higher,” pahayag ni DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay sa isang virtual press briefing.

Matatandaang inanunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III recently announced na naglaan ang gobyerno ng P1 bilyon para sa cash assistance sa mga displaced worker sa implementasyon ng mas mahigpit na COVID alert level.

Sa ilalim ng CAMP, makatatanggap ng one-time P5,000 financial assistance ang mga apektadong manggagawa sa pribadong sektor.

“Priority natin yung mga manggagawa na naapektuhan ng permanent closure or retrenchment. Kasama rin sa bibigyan ng financial assistance yung mga manggagawa affected by the temporary closure.” paliwanag niya.

Samantala, iginiit ni Tutay na ang pamamahagi ng CAMP sa mga apektadong lugar ay depende sa umiiral na alert level. RNT/SA