Cash-based budgeting sa 2023 tiniyak ng DBM

Cash-based budgeting sa 2023 tiniyak ng DBM

September 16, 2022 @ 7:42 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) na wala ng “For Later Release” (FLR) funds sa susunod na taon.

Sa pangalawang araw ng Development Budget Coordination Committee (DBCC)’s briefing ukol sa panukalang 2023 National Expenditure Program (NEP) sa Senado, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na mas pinili ng ahensiya na huwag isama ang expenditure items para sa “later release.”

Ayon sa Kalihim, ang terminong “FLR” funds ay hindi ginamit habang nakaupo siya noon bilang DBM undersecretary sa ilalim ng liderato ni Budget chief at ngayon ay Finance Secretary Benjamin Diokno kaya’t nagulat aniya siya nang muli siyang napasok sa departamento ay may pinaiiral ng FLR sa DBM.

“Under Secretary Diokno po, wala po kaming tinatawag na FLR. So it’s actually something new to us when I reentered DBM,” aniya pa rin.

Ang pinakahuli aniya niyang direktiba ay naglalayong maiwasan ang delay ang disbursement ng pondo.

“When I entered DBM, nakita ko po na napakaraming dokumento ang kailangan pirmahan at ipadala sa Office of the President. I thought then that it’s quite tedious for the staff and even the Office of the President na tumatagal po ‘yung sistema ng pagre-release ng budget,” ani Pangandaman.

“So, pag-assume po natin, nagbigay po tayo ng instructions na wala na po dapat na for later release sa mga pondo po ng gobyerno,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose