Cash donations sa DSWD, digital na

Cash donations sa DSWD, digital na

December 21, 2022 @ 9:22 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tumatanggap na ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng payments at donasyon sa pamamagitan ng LANDBANK Link.BizPortal, isang e-payment facility na pinapayagan ang mga kliyente at partners ng DSWD na makapag- transact ng business at/o bayaran ang kanilang monetary obligations via online mode.

Sinabi ni DSWD Secretary Erwin T. Tulfo na ang e-payment ay alinsunod sa Executive Order No. 170 ukol sa “adoption of digital payments for government disbursements and collections, Republic Act 11032 or the Ease of Doing Business and Efficient Service Delivery Act of 2018, and the Anti-Red Tape Authority Memorandum Circular No. 2020-06.”

Ang mga prospective clients at partners ay maaaring gamitin ang e-payment link para mag- transfer ng monetary donations at/o kaya naman ay magbayad ng licensing, registration, at accreditation ng Social Welfare and Development Agencies (SWDAs), magbayad sa Social Welfare and Development Center for Asia and Pacific dormitory at training fees, at magbayad ng fees para sa travel clearance ng mga minors o menor de edad.

Ang online payment facility ay maaaring i- accessed sa Landbank official website o DSWD official website na matatagpuan sa sidebar area o sa pamamagitan ng direct link https://www.lbp-eservices.com/egps/portal/index.jsp.

Gayunpaman, isang minimal transaction fee na nag-range mula sa P15 hanggang P30 kada trabsaksyon ang itsa-charged ng Landbank mula sa kliyente gamit ang mga sumusunod na payment options gaya ng:

— Landbank ATM/Visa Debit Cards;
— BancNet-Member Bank ATM/Debit Cards;
— Globe G-Cash accounts;
— Other e-money issuers gaya ngMaya, Shopee Pay and Grab Pay;
— Cash Payment via Over-the-Counter sa 7-Eleven, Cebuana, Palawan, Bayad Center, Western Union, SM, Robinsons, ECPay, Bayad Express, BDO. .

Sa kasalukuyan, ang online payment system ay available lamang sa field offices (FOs) sa National Capital Region, Mimaropa, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region at Soccsksargen bilang alternative collection systems.

Samantala ang natitirang DSWD FOs ay “already enrolled and awaiting the processing of the Landbank head office for approval.”

“The DSWD will look into more partnerships prioritizing digital transformation toward an inclusive financial system for its client and beneficiaries,” ayon sa ulat. Kris Jose