Cash incentives sa public school grads ipinamahagi sa Navotas

Cash incentives sa public school grads ipinamahagi sa Navotas

July 17, 2022 @ 3:43 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Namahagi ang lokal na pamahalaang Navotas ng cash incentives sa mga nagsipagtapos ngayong taon sa mga public elementary at senior high schools.

Umabot sa 3,810 mula sa Grade 6 habang 2,067 naman sa Grade 12 completers ang tumanggap ng P500 at P1,000.

“We want to honor and show our appreciation to our graduates for pursuing their education, especially despite the challenges of the pandemic. The past school years have been difficult, but they persevered with the help and guidance of their parents and teachers,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

Samantala, ang mga magtatapos sa Navotas Polytechnic College ay makatatanggap ng P1,500 ngayong Agosto.

Nagsimulang mamahagi ng graduation incentives ang lungsod taong 2019 na nasa ilalim ng City Ordinance 2019-3.

“We hope that through this incentive, our students will be motivated to finish their schooling or help them in their pre-employment needs,” dagdag pa ng alkalde. (R.A Marquez)