Cash remittances noong 2022, pumalo sa $32.54B

Cash remittances noong 2022, pumalo sa $32.54B

February 15, 2023 @ 3:49 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pumalo sa $32.54 bilyon ang cash remittance mula sa overseas Filipinos sa pamamagitan ng mga banko noong 2022, mas mataas ng 3.6% sa $31.42 billion na ipinadala noong 2021, ayon sa datos na ipinakita ng Bangko Sentral ng Pilipinas nitong Miyerkules, Pebrero 15.

Nitong Disyembre, lumago ng 5.8% ang cash remittance sa $3.16 billion.

“The expansion in cash remittances in December 2022 was due to the growth in receipts from land- and sea-based workers,” ayon sa BSP.

Pawang nagmula sa cash remittances sa US, Saudi Arabia, Singapore, Qatar at United Kingdom ang malaking bahagi ng pagtaaas ngayong taon.

Noong 2022 rin, nagkamit ng pinakamataas na overall remittances ang US, sinundan ng Singapore at Saudi Arabia.

Samantala, lumago rin sa all-time high na $36.14 billion ang personal remittances, mas mataas ng 3.6% kaysa $34.88 billion noong 2021.

Noong Disyembre, lumago naman ng 5.7% ang personal remittance sa
$3.49 billion mula sa $3.30 billion sa kaparehong panahon.

Ayon sa BSP, ang full-year level ay nasa 8.9% para sa gross domestic product ng bansa at 8.4% naman sa gross national income. RNT/JGC