Cash transfer sa mga mahihirap, nais itaas sa P500

Cash transfer sa mga mahihirap, nais itaas sa P500

June 25, 2018 @ 3:20 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Sa tindi ng epekto ng TRAIN law sa publiko lalo na sa hanay ng mahihirap, isinusulong ng isang mambabatas na gawing P500 kada buwan ang ibinibigay na Unconditional Cash Transfer (UCT).

Ayon kay 1 PACMAN Partylist Representative Mike Romero hindi magiging sapat ang ibinibigay na tulong pinansyal ng gobyerno sa ilalim ng TRAIN law dahil lubha itong mababa, sa halip na P200 kada buwan ay dapat gawin itong P500.

Ani Romero, nakatakda siyang maghain ng panukala sa Kamara para mapaspasan ang pagpapatupad ng adjustment.

Paliwanag ng mambabatas magiging sapat kung P500 ang UCT para makayanan ng mga mahirap na ma-absorb ang epekto ng 4 hanggang 5% na inflation na dinagdagan pa ng mataas na presyo ng langis at paghina ng palitan ng piso sa dolyar.

Sakaling paboran ang panukala ni Romero ay karagdagang P26.4B ang kakailanganin ng gobyerno ngunit para sa mambabatas ay kakayanin pa rin ito ng pamahalaan dahil lubha itong maliit kumpara sa P3.6 trillion national budget.

Wala umano ang ganitong halaga kung may P20M indibdiwal na kabilang sa below poverty line ay matutulungan upang hindi direktang maramdaman ang epekto ng bagong tax program. (Gail Mendoza)