Casimero biglang nalaos, nawala sa siskulasyon

Casimero biglang nalaos, nawala sa siskulasyon

August 23, 2022 @ 2:07 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kinakailagan umano na ayusin ni dating three-division champion John Riel Casimero ang kanyang sarili at ang mga nakapaligid sa kanya kung gusto niyang maibalik ang kanyang karera,

Sa loob ng isang taon ay wala pa ring laban si Casimero, 31-4 na may 21 knockouts bilang pro, ay hindi nakakita ng aksyon sa loob ng isang taon.

Huli siyang lumaban kay ex-world champion Guillermo Rigondeaux noong Agosto 2021 kung saan siya ay nanalo sa pamamagitan ng split decision.

Nakakalungkot umano ang nangyari kay Casimero dahil hindi araw araw ay kumakatok ang mga pagkakataon at hinayaan niyang dumaan ang mga iyon. He had been inactive for more than a year, ayon sa mga boxing analyst.

Nakabenggahan ang kanyang mga dating handlers sa MP Promotions ni Manny Pacquiao, nagsimula ang mga problema sa karera ni Casimero nang kanselahin ang dalawa sa kanyang nakatakdang mandatory defense laban sa ngayon ay WBO world bantamweight champion na si Paul Butler.

Nakatakda sanang maglaban ang dalawa noong Disyembre ngunit naputol ang laban nang dinala si Casimero sa isang ospital para sa gastritis sa araw ng weigh-in.

Makalipas ang ilang buwan, sapilitang inalis sa laban ang Filipino matapos niyang lumabag sa British Boxing Board of Control na nagbabawal sa mga manlalaban na gumamit ng sauna para magbawas ng timbang.

Kalaunan ay tinanggalan siya ng titulo sa WBO.

Ayon sa ulat, oras na para sa prizefighter na kunin ang serbisyo ng isang professional team.JC