Casimero handa na vs Ryo sa Korea sa December 3

Casimero handa na vs Ryo sa Korea sa December 3

November 28, 2022 @ 10:24 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sa isang digmaan ng mga world-ranked fighters, ang sikat na 33-anyos na Pinoy na dating kampeon na si “Quadro Alas” na si John Riel Casimero (31-4, 21 KO’s) ng Leyte, ay babalik sa aksyon bilang super bantam sa isang mabigat na 10-frame mission laban sa matigas na 36-anyos na Japanese Ryo Akaho (39-2-2, 25 KO’s), sa susunod na Sabado, Disyembre 3, sa Paradise City Plaza sa Incheon, South Korea.

Napakahalaga ng mainit na sagupaang ito para sa dalawang fighter dahil ang magwawagi ay aakyat sa world-rankings na magkakaroon ng pagkakataon para sumabak sa isang world-title shot sa 122 lbs sa 2023.

Dahil matagal ng hindi lumalaban si Casimero, maraming mga tanong ang sumagi sa isip ng fans.

“After a year away from ring action, will the Ormocanon former champ be back on weight and in top form against the former 2-time world title challenger Ryo, ravaging the Nippon warrior with fantastic speed and accuracy, overpowering him fast, the same way he did to Zolani Tete?”, ani ng fans

Maari kayang  talunin ng Japanese fighter na si Ryo Akaho, dahil isa itong matalinong fighter, ang kontrobersyal na si Casimero sa parehong paraan na ginawa sa kanya ng kanyang kababayang si Jonas Sultan noon?, dagdag na tanong pa ng fans.

Sabik na ang fans na malaman ang kahihinatnan ng laban sa Incheon at ipinananalangin ng fans na  manalo si Casimero.RICO NAVARRO