Casimero maghihiganti kay Akaho

Casimero maghihiganti kay Akaho

October 21, 2022 @ 9:04 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Focus ngayon si dating three-division champion John Riel Casimero sa kanyang ensayo at nais nitong ipaghiganti ang mga natalong Filipino na nakaharap ng kanyang makakalabang si Ryo Akaho sa kanyang super bantamweight debut sa Disyembre 3 sa Paradise City sa Incheon, South Korea.

Napansin ni Casimero, 31-4, na may 21 knockouts bilang propesyonal na boksingero, na tinalo ni Akaho (39-2-2, 26KOs) ang ilang Pinoy boxers noong nakaraan.

Ayon sa ulat, ang pinakahuling biktima ng Hapon ay si Edrin Dapudong, na na-knockout niya sa unang round sa kanilang laban noong nakaraang Setyembre.

“Maganda ang laban niya sa isang Pinoy [na natapos] noong first round. Ipapakita ko ang aking kakayahan dahil marami siyang Pinoy na natalo at marami siyang knockouts,” ani Casimero.

Tinanggalan si Casimero ng kanyang WBO world bantamweight title nitong taon at  huling naglaro noong Agosto 2021 nang talunin niya si Guillermo Rigondeaux sa pamamagitan ng split decision.

Ayon sa boksingero, maaari pa siyang bumaba sa 118 pounds kung gusto niya at idiniin na handa siyang labanan ang sinuman anumang oras.

“This will be my first time at    122 [pounds] so I will do my best. If I want to go back down to 118 that would be easy. [Fighting overseas] is not new to me. Kahit lumaban ako sa kalaban ko. bahay pwede ko siyang patulugan. Anytime, anywhere, lalaban ako,” wika nito.

“Meron siyang knockout [power] at maraming boxers ang napatumba niya noon kaya magandang laban namin ito. Good luck sa aming dalawa.”JC